Wednesday, June 10, 2009

Pagpapahalaga Sa Araw ng Kalayaan (Hunyo 12)

"Yehey!" Malakas na sigaw ni Pepe matapos ipaalam ng kanilang guro na walang pasok sa ika-labindalawa ng Hunyo dahil sa nalalapit na Araw na Kalayaan. "Hay Salamat! Wala kaming pasok. Makakapagcomputer nanaman ako." Sabi ni Pepe."Ay naku! Hindi porke wala tayong pasok ay magsasaya tayo." Wika ng kanilang guro na agad na nakarinig sa sigaw at sinabi ni Pepe. "Ano po ba ang nangyari noong ika-labindalawa ng Hunyo?" Tanong ni Pepe. "Makinig kayo. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Kastila dahil sa hindi pantay-pantay na pagtrato nila sa mga Pilipino. Dahil sa katapangang ipinakita ng mga Pilipino, nagtagumpay sila sa laban. Tuluyan na ngang naging malaya ang Pilipinas nang iwinagayway ni Emilio Aguinaldo,ang presidente ng Pilipinas noong panahong iyon,ang watawat ng ating bansa noong ika-labindalawa ng Hunyo." "Ah! ganun po ba iyon? E bakit kailangan pang ipagdiwang ito?" Pagtatakang tanong ni Pepe. "Kaya na natin ipinagdiriwang ito ay para ipaalala sa atin na ito ang araw kung kailan nakamit natin ang kalayaan.""Ah! Hindi lang po pala basta nalang natin ipagdiwang ito. Dapat pala nating tandaan na maraming Pilipino ang nakipaglaban at nagbuwis ng kanilang buhay makamit lang ang minimithi nating kalayaan.""Ngayon alam niyo na ang nangyari noong Araw ng Kalayaan at kung ano ang dapat nating gawin sa araw na iyon.""Maraming Salamat po. Marami po kaming natutunan sa inyo.""O siya,overtime na pala ako. Paalam na sa inyo!"

No comments:

Post a Comment

Post a Comment